Bilang ng mga may dengue fever sa Biyetnam, mahigit 81,000

2017-08-17 11:19:33 CRI

Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Kalusugan ng Biyetnam, sapul nang pumasok ang taong 2017, lampas na sa 81,000 ang bilang ng mga may dengue fever sa bansa; at 24 sa mga ito ay namatay na.

Ayon sa nasabing datos, halos 59% ng lahat ng mga kaso ng dengue fever ay mula sa dakong timog ng bansang ito.

Sa hilaga naman ang Hanoi ang pinakaapektado kung saan natuklasan ang 15,400 kaso ng dengue fever, at 7 katao sa kanila ang sinawing-palad.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino