Taunang ensayong militar ng Thailand at Amerika, nagsimula

2017-08-17 16:07:01 CRI CRI

Ipinatalastas Miyerkules, Agosto 16, 2017 ng Pambansang Kawanihan ng Pamamahayag ng Thailand na nagsimula na sa bansa Agosto 15 ang magkasanib na taunang ensayong militar ng Thailand at Estados Unidos na may code name na Hanuman Guardian.

Ang ensayong magkasamang isinasagawa ng Royal Thai Army at U.S. Pacific Command ay tatagal hanggang ika-25 ng Agosto, 2017. Ito ang ika-6 na taunang ensayo ng dalawang hukbo.

Tampok sa pagsasanay ang makataong tulong, koordinadong pangkagipitang pagtugon sa kapahamakan, serbisyong medikal at iba pa.

Sa kabuuan, 725 sundalong Thai at 683 sundalong Amerikano ang kalahok sa nasabing pagsasany-militar.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino