Pagpapanumbalik ng paghahanap sa nawalang MH 370, depende sa desisyon ng mga dalubhasa: Liow Tiong Lai

2017-08-21 16:12:12 CRI CRI

Ipinahayag kamakailan ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na depende sa desisyon ng mga dalubhasa mula sa Australia, Tsina at Malaysia.kung panunumbalikin o hindi ang paghahanap sa nawalang Malaysia Airlines flight MH370.

Sinabi ni Liow na natanggap na ng kanyang bansa ang ulat ng satellite image mula sa Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization (CSIRO) ng Australia noong kalagitnanan ng Agosto. Ayon sa nasabing ulat, ang saklaw na 5,000 kilometro kuwadrado sa dakong hilaga ng dating lugar na pinaghanapan ay posibleng maging lugar kung saan nawala ang eroplano.

Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Boeing 777-200 aircraft habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino.

Mahigit sa dalawampung bansa ang magkakasunod na lumahok sa paghahanap sa nawalang eroplano. Ang Malaysia, Tsina at Australia ay tatlong pangunahing bansa at naglaan ng pondo para sa paghahanap.

Pagkaraan ng halos 3 taong pagsisikap, pansamantalang itinigil ang paghahanap noong Enero ng 2017.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino