Pagpapabuti ng kabuhayan at pagbabawas ng kahirapan sa Kambodya-mabunga-World Bank

2017-08-21 18:32:11 CRI

Ayon sa report na isinapubliko kamakailan ng World Bank, kapansin-pansin ang natamong bunga ng pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at pagbabawas ng kahirapan ng Kambodya.

Anang report, mula noong 1994 hanggang 2015, umabot sa 7.6% ang  karaniwang taunang paglaki ng pambansang kabuhayan ng bansa, at ito'y nasa ika-6 na puwesto sa listahan ng mga bansa sa daigdig na may pinakamabilis na paglaki ng kabuhayan.

Anito, bilang isang huwaran sa larangan ng pagbabawas ng kahirapan, bumaba sa 13.5% noong 2014 ang poverty rate ng Kambodya mula 47%, noong 2007.

Pero, tinukoy din ng report na kinakaharap pa rin ng Kambodya ang ibat-ibang hamon sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamamahala at pagsasa-operasyon, at pagpapataas ng kalidad ng lakas-manggagawa. Ito ay may-kinalaman sa pagsasakatuparan o hindi ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, anito pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino