Tsina't Thailand, nakahandang ibayo pang pasulungin ang pagtutulungang militar

2017-08-22 17:30:17 CRI CRI

Beijing, Tsina—Kinatagpo Lunes, Agosto 21, 2017 ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina si Surapong Suwana-adth, Puno ng Lakas na Pandepensa ng Thailand.

Sinabi ni Chang na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mahigpit ang pagtutulungan ng mga hukbo ng dalawang bansa sa iba't ibang antas at larangan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng panig Thai, na batay sa mga natamong bunga, palakasin ang estratehikong pagtutulungan at palalimin ang mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang hukbo, para magkasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Surapong Suwana-adth na dapat pataasin ang lebel ng pagtutulungan ng mga hukbo ng Tsina at Thailand sa larangan ng magkasamang ensayo, kagamitan at teknolohiya, pagsasanay sa mga tauhan at multilateral na seguridad.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino