Pagtutulungan ng mga hukbong panghimpapawid ng Tsina't Cambodia, pahihigpitin

2017-08-22 17:36:19 CRI

Beijing, Tsina-Kinatagpo Lunes, Agosto 21, 2017 ni Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina si Soeung Samnang, Commander ng Hukbong Panghimpapawid ng Cambodia.

Sinabi ni Xu na matagal na ang pagkakaibigan ng Tsina at Cambodia, at pinasasalamatan aniya ng Tsina ang Cambodia sa buong-tatag na pagkatig nito sa mga nukleong interes ng Tsina. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan, lumalalim ang relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo. Umaasa aniya siyang mapapanatili ng mga hukbong panghimpapawid ng dalawang bansa ang magandang tunguhin ng pagpapalitan at pagtutulungan para makapag-ambag sa pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa't dalawang hukbo.

Ipinahayag naman ni Commander Soeung Samnang ang pasasalamat sa walang-sawang tulong at suporta ng Tsina sa Cambodia. Ipinahayag din niya ang pag-asa ng hukbong panghimpapawid ng Cambodia na lalo pang palalakasin ang pakikipagtulungan sa hukbong panghimpapawid ng Tsina para mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino