Maritime search-and-rescue operation sa nawawalang tauhan ng USS John S. McCain, suspendido

2017-08-25 11:12:26

Idineklara Huwebes, Agosto 24, 2017, ng United States Navy Seventh Fleet ang suspensyon ng maritime search-and-rescue operation sa mga nawawalang tripulante ng guided-missile destroyer USS John S. McCain.

Isinapubliko din ng 7th Fleet ang identidad ng sampung (10) nawawalang tauhan. Kabilang dito ang isang kumpirmadong nasawi.

Ipinatalastas din nang araw ring iyon ng Singapore na mula alas-9:00 sa gabi ng araw na ito, sinuspinde nito ang paghahanap at pagliligtas sa mga nawawalang tauhan sa USS John S. McCain. Ngunit itutuloy pa rin nito ang pagbibigay-tulong sa search-and-rescue operation ng American Navy.

Kasalukuyang nakadaong ang USS John S. McCain sa navy base pier sa Changi, Singapore.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino