Mga lider ng Brunei at Kambodya, lalahok sa Ika-14 na China-ASEAN Expo

2017-08-29 12:25:51 CRI

Isiniwalat Agosto 28, 2017 ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China-ASEAN Expo na lalahok sa Ika-14 China-ASEAN Expo ang mga mataas na delegasyon mula sa mga bansang ASEAN at Kazakhstan. Sa kasalukuyan, kumpirmado aniyang dadalo sa pagtitipong ito sina Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei at Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya.

Ayon sa ulat, ang tema ng Ika-14 China-ASEAN Expo ay: “Magkasamang Pagtatatag ng Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo, Pagpapasulong ng Integrasyong Pangkabuhayan sa Turismo.”

Ang pagtitipong ito ay idaraos sa Nanning, Tsina, mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre, 2017, at ang Brunei ang tampok na country of honor.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino