Ika-2 industry briefing para sa Kuala Lumpur-Singapore High-Speed Rail, idaraos

2017-08-29 16:23:56 CRI CRI

Isiniwalat kamakailan ng Land Transport Authority ng Singapore at MyHSR Corporation ng Malaysia, na idaraos sa ika-26 ng darating na Setyembre sa London, Britanya, ang ika-2 industry briefing para sa proyekto ng Kuala Lumpur-Singapore High-Speed Rail.

Ang naturang briefing ay naglalayong hikayatin ang iba't ibang panig, na maging assets company ng naturang daambakal, tukuyin kung sino ang mamamahala sa pagdidisenyo, paggawa, pamumuhunan, at pagpapanatili ng mga rolling stock at rail asset.

Ang unang briefing para sa Kuala Lumpur-Singapore High-Speed Rail ay idinaos noong Hulyo sa Singapore. Lumahok dito ang 165 kompanya mula sa iba't ibang lugar ng daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino