China ASEAN Pageant Etiquette Final, idinaos sa Biyetnam

2017-08-31 10:33:59 CRI

Idinaos Miyerkules, Agosto 30, 2017 sa Da Nang, Biyetnam ang Ika-13 China-ASEAN Pageant Etiquette Final.

Lumahok sa pinal na kompetisyon ang 23 dalaga mula sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para ipakita ang kagandahan at katangian ng kani-kanilang bansa.

Ang unang pageant ay idinaos noong 2005 sa Nanning, Guangxi, Tsina. Layon nitong palalimin ang pagkaunawa ng mga mamamayang Tsino at mga mamamayan ng mga bansang ASEAN hinggil sa kultura ng etikete ng dalawang panig.

Bukod sa Tsina at Biyetnam, ang nasabing pageant ay idinaos minsan sa Malaysia, Singapore at Thailand.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino