Charge d'affaires ng Tsina sa ASEAN at Puno ng ERIA, nagtagpo

2017-08-31 11:37:17 CRI

Nagtagpo Martes, Agosto 29, 2017 sa Jakarta sina Jiang Qin, Charge d'affaires ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations, at Hidetoshi Nishimura, Puno ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA). Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyu na gaya ng konstruksyon ng ASEAN Economic Community, integrasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya, proseso ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at pag-uugnay ng “Belt and Road” Initiative at estratehiya ng pag-unlad ng ASEAN.

Ipinahayag ni Jiang na ang ERIA ay mahalagang organisasyon sa Silangang Asya sa pananaliksik ng kabuhayan. Sinabi niyang kinakatigan ng panig Tsino ang mga akademikong pananaliksik ng ERIA.

Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng Tsina at ERIA ang magkasanib na pananaliksik sa isyu ng pag-uugnay ng “Belt and Road” Initiative at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025.

Ipinahayag naman ni Hidetoshi Nishimura na ang Tsina ay miyembro ng Board of Directors ng ERIA at gumaganap ito ng mahalagang papel sa pag-unlad ng ERIA nitong mga taong nakalipas. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng ERIA at Tsina ang mga kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, at enerhiya. Ito aniya ay para ibayo pang pasulungin ang pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino