Kinaroroonan ni dating PM Yingluck, di pa alam: ministring panlabas Thai

2017-09-01 16:58:57 CRI CRI

Ipinahayag Huwebes, Agosto 31, 2017, ni Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand na hindi pa tukoy ng pamahalaang Thai ang kinaroroonan ng dating punong ministro na si Yingluck Shinawatra.

Nakatakda sanang humarap si Yingluck sa Korte Suprema kaugnay ng kaso ng subsidiya ng bigas noong Agosto 25, 2017. Pero, hindi nakadalo si Yingluck dahil masama raw ang pakiramdam niya. Ipinalabas ng nasabing korte ang arrest warrant kay Yingluck nang araw ring iyon at ipinagpaliban ang pagdinig hanggang Setyembre 27, 2017.

Salin: Jade
Pulido: Mac


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino