Inflation rate ng Pilipinas, tumaas sa 3.1%

2017-09-07 10:03:54 CRI

Ayon sa pinakahuling ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), dahil sa mataas na presyo ng pagkain, tubig, koryente, at transportasyon, ang inflation rate ng bansang ito noong nagdaang Agosto ay tumaas sa 3.1% mula 2.8% noong Hulyo. Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang bilang ito ay nakapaloob pa rin sa itinakdang target ng pamahalaang Pilipino na mula 2% hanggang 4%.

Ipinahayag ni Ernesto M. Pernia, Direktor ng National Economics and Development Authority (NEDA) ng Pilipinas, na ang mataas na presyo ng mga pagkain ay epekto ng bagyong Jolina sa agrikultura sa Luzon, lalo na sa lalawigang Aurora.

Bukod dito, sinabi niyang dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa domestikong pamilihan at paghina ng exchange rate ng Peso sa US Dollar, lumaki kamakailan ang gastusin sa koryente at ibang mga langis at krudo. Ito aniya ay nagdulot ng inflation sa sektor ng transportasyon at koryente.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino