Proyekto ng Expressway sa Davao City, pag-aaralan ng Tsina at Pilipinas

2017-09-07 11:17:30 CRI

Proyekto ng Expressway sa Davao City, pag-aaralan ng Tsina at Pilipinas

Nilagdaan Martes, Setyembre 5, 2017 sa Manila nina Jin Yuan, Commercial Counsellor ng Tsina sa Pilipinas, at Mark A. Villar, Kalihim ng Public Works and Highways, ang Minutes of Discussion (MOD) hinggil sa pagpapadala ng isang grupo ng mga dalubhasa ng dalawang bansa para pag-aralan ang Proyekto ng Expressway sa Davao City.

Ipinahayag ni Villar na ang proyektong ito ay mahalaga para pabutihin ang kalagayan ng transportasyon at komunikasyon sa lunsod.

Ipinahayag naman ni Jin na umaasa siyang patuloy na pahigpitin ng dalawang panig ang mga kooperasyon para simulan ang pag-aaral sa lalong madaling panahon.

Ang haba ng nasabing expressway ay 23.3 kilometro na nagkakahalaga ng halos 2.45 bilyong Pesos o halos 480 milyong US Dollars.

Ang proyektong ito ay naglalayong ibsan ang problema sa trapiko ng Davao City at ipagkaloob ang mas mabilis at maalwang lansangan mula lunsod patungo sa mga daungan at karatig na lugar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino