Yu Zhengsheng, kinatagpo ang panauhin ng Myanmar

2017-09-09 12:29:24 CRI

Nagtagpo Biyernes, Setyembre 8, 2017 sa Beijing, sina Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Win Myint, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Myanmar.

Sinabi ni Yu na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na panatilihin, kasama ng Myanmar, ang pagdadalawan ng dalawang panig sa mataas na antas, at pahigpitin ang mga bilateral na kooperasyon para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Yu na pinahahalagahan ng CPPCC ang relasyon sa mababang kapulungan ng Myanmar. Nakahandang aniya siyang pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang organo sa iba't ibang larangan.

Ipinahayag ni Win Myint na nakahanda ang mababang kapulungan ng Myanmar na magsikap para palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino