Tsina, binati si Halimah Yacob sa panunungkulan bilang bagong pangulo ng Singapore

2017-09-15 16:58:32 CRI

Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati kay Halimah Yacob sa panunungkulan bilang bagong pangulo ng Singapore.

Sa regular na preskon Huwebes, Setyembre 14, 2017, ipinahayag din ni Hua ang kahandaan ng Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Singapore para walang-humpay na mapasulong ang komprehensibong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Nanumpa nang araw ring iyon si Yacob bilang kauna-unahang presidenteng babae ng Singapore.

Bilang tanging kandidatong pampanguluhan, automatiko siyang inihalal bilang ika-walong pangulo ng Singapore, Setyembre 13. Ang 63 taong gulang na bagong pangulo ay pumasok sa arenang pampulitika noong 2001 at naging ispiker ng Parliamento ng Singapore noong Enero, 2013.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino