Bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand, lumaki

2017-09-20 15:46:56

Ayon sa datos na isinapubliko Martes, Setyembre 19, 2017, ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand, noong isang buwan, umakyat sa 983 libong person-time ang bilang ng mga turista mula sa Mainland China sa Thailand. Ito ay mas malaki ng 10.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon na naging pinakamalaking paglaki sapul nang pumasok ang kasalukuyang taon.

Sa isang ulat ng naturang ministri ng Thailand, nasa mahigit 3.13 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga dayuhang turista sa Thailand na lumaki ng 8.66% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Nilikha nito ang halos 5 bilyong dolyares na kita.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino