Kitang panturismo ng Thailand, tinatayang lalampas sa 80 bilyong US dollar sa 2017

2017-09-21 17:04:10 CRI CRI

Ayon sa pahayag na inilabas Huwebes, Setyembre 21 ng Ministri ng Turismo at Isports ng Thailand, sa taong 2017, tinatayang aabot sa 2.7 trilyong baht o mahigit 81bilyong US dollar ang kitang panturismo ng bansa.

Anang nasabing pahayag, noong unang walong buwan ng taong ito, lumampas sa 1.7 trilyong baht ang kitang panturismo ng Thailand. Mula Setyembre hanggang Disyembre, inaasahan namang aabot sa isang trilyong baht ang nasabing halaga.

Anito pa, magsasagawa ang pamahalaang Thai ng mas maraming hakbangin para maakit ang mas maraming turistang dayuhan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino