Ika-4 na High-Level Border Meeting ng Tsina at Biyetnam, ginanap sa Yunnan

2017-09-24 17:36:28 CRI

Sa Tỉnh Lai Châu City ng Biyetnam at Jinping County, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Mula noong ika-23 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2017, idinaos dito ang Ika-4 na High-Level Border Meeting ng mga hukbo ng Tsina at Biyetnam. Dumalo sa pagtatagpo sina Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, at Ngo Xuan Lich, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam.

Sinabi ni Fan Changlong na nakahanda ang tropang Tsino, kasama ng tropang Biyetnames, na komprehensibong ipatupad ang isang serye ng mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, maayos na kontrulin ang mga alitan, at ipagkaloob ang positibong puwersa para sa pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam.

Nagpahayag naman si Ngo Xuan Lich ng pag-asang ibayo pang mangangalaga sa kalagayan at kaligtasan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa, at gagawa ng mas malaking ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino