Pamamaril, naganap sa himpilan ng PSG

2017-09-27 12:51:33 CRI

Martes, ika-26 ng Setyembre, 2017, nagpalabas ng pahayag ang Presidential Security Group (PSG) ng Pilipinas kung saan kinumpirmang isang insidente ng pamamaril ang naganap Martes ng umaga sa himpilan ng PSG, at namatay ang isang tenyente.

Anang pahayag, alas-9 ng umaga, ang nasabing 37 taong gulang na tenyente ay natuklasang patay sa kanyang silid, dahil sa tama ng baril sa dibdib. Ipinahayag ng PSG na sa kasalukuyan, tinutukoy pa ang dahilan ng kanyang kamatayan at hinihintay nito ang resulta ng imbestigasyon ng awtoridad sa naganap na insidente.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino