Federalism, kailangang pag-usapan ng mabuti

2017-09-28 18:19:00

 

ANG  kontrobersyal na programa ng pamahalaang makamtan ang kalakaran sa ilalim ng Federalism ay marapat na pag-usapan ng mabuti upang maiwasan ang mga 'di pagkakaunawaan.


Ayon kay Dr. Gilberto Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ginagawa ng kanilang tanggapan na siyang think-tank ng pamahalaan upang pag-usapan ng nakararami ang mahalagang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa kanyang talumpati sa Third Annual Public Policy Conference, may mga Filipinong naniniwala na mahalaga ang federalism sapagkat walang nagaganap na mabuti sa iba't ibang bahagi ng bansa.  Nawawalan na umano ng loob ang mga nasa Visayas at Mindanao.  Nagaganap ito sapagkat nakasentro sa Maynila ang poder at yaman ng bansa.


Nagmula pa noong panahon ng mga Kastila ang kalakarang ito.  Kahit umano nakapasa ang Local Government Code of the Philippines noong dekada nobenta, marami pa ring problema ang hinaharap ng bansa.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino