Senador Trillanes, nagbabalak ipagsakdal si Senador Gordon

2017-09-28 18:21:53

  

NAGBABALAK si Senador Antonio Trillanes IV na ipagsakdal si Senador Richard Gordon ng plunder at paglabag sa code of ethics.


Sa isang press conference, sinabi ni G. Trillanes na hindi lamang ethics complaint ang kanyang inihahanda kungdi reklamong kriminal.  May inihahanda umano siyang reklamong plunder laban sa pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee. 


Abangan na lamang umano ang mga susunod na magaganap, dagdag pa ng senador mula sa Bicol Region. 


May kinalaman umano ang reklamong plunder laban kay Senador Gordon sa mga katiwaliang naganap bilang Chairman ng Philippine Red Cross.


Kamakailan ay nagreklamo sa Ethics Committee si Senador Gordon laban kay Senador Trillanes.  Matapos magreklamo si Senador Gordon, sinagot naman ni Senador Trillanes na naghahanda na siya ng reklamo laban sa mambabatas mula sa Zambales kasabay ng pagbubunyag ng mga katiwalian ng naganap sa Philippine Red Cross.


Nagalit si Senador Gordon at nagbabalang huwag idadamay ang Philippine Red Cross sa mga paninira ni Senador Trillanes.  Handa naman umano siyang sumagot sa mga akusasyon ng kapwa mambabatas.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino