Ex-Thai PM Shinawatra, nasa Dubai — Prayuth Chan-ocha

2017-09-29 11:09:49

Sinabi Huwebes, Setyembre 28, 2017, ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, na ayon sa impormasyon mula sa Ministring Panlabas ng bansa, nasa Dubai ngayon ang dating Punong Ministro na si Yingluck Shinawatra.

Sinabi niya na makikipagkoordina ang kaukulang departamentong Thai sa International Criminal Police Organization (ICPO) upang ibalik si Shinawatra. Sa ngayon, inilabas na ng panig pulis ng Thailand ang warrant of arrest para sa ex-PM.

Nitong Miyerkules, sa kabila ng di pagdalo sa paglilitis ng Thailand Supreme Court, sinentensiyahan ng limang taon na pagkakakulong si Shinawatra dahil sa 'rice subsidy scam'.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino