37 patay sa landslide at baha sa Vietnam

2017-10-12 15:09:08 CRI CRI

Bunsod ng landslides at baha na dulot ng malakas na ulan nitong apat na araw na nakalipas, 37 katao ang namatay at 40 ang nawawala sa hilaga at gitnang bahagi ng Vietnam.

Ito ang ipinahayag ngayong araw, Oktubre 12, 2017 ng Central Steering Committee for Natural Disaster Prevention and Control ng bansa.

Bukod dito, dalawampu't isa (21) katao ang nasugatan. Mahigit 16,700 bahay ang binaha at dalawang dike ang nasira. Umabot sa 39,300 hektarya ang apektadong pananim. Humigit-kumulang 1,200 baka at 40,000 fowl ang namatay o tinangay.

Kabilang sa mga apektadong lunsod at probinsiya ay Hanoi, Nghe An, Thanh Hoa, Son La, Hoa Binh, Son La, Yen Bai, at Quang Tri.

Salin:Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino