Landslide, naganap sa construction site ng Malaysia

2017-10-23 11:25:55 CRI

Penang, Malaysia-Naganap noong ika-21 ng Oktubre, 2017 ang landslide sa isang construction site.

Ayon sa State Fire and Rescue Department ng Malaysia, 14 katao ang natabunan sa naturang insidente. Sa kasalukuyan, 9 katao ang kumpirmadong nasawi, 3 ang nailigtas, at 2 iba pa ang nawawala.