Komboy ng “Biyaheng Pangkultura sa Lancang-Mekong River,” nasa Laos

2017-10-23 16:43:14 CRI

Vientiane, Laos-idinaos kahapon, Oktubre 22, 2017 ang roadshow ng komboy ng "Biyaheng Pangkultura ng Lancang-Mekong River".

Dumalo sa seremonya ng pagsalubong sina Bosengkham Vongdara, Ministro ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos at Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Laos.

Ang nasabing komboy ay binubuo ng 13 sasakyan, at 40 miyembrong kinabibilangan ng mga mamamahayag ng Tsina at Thailand.

Noong Setyembre 24, 2017, nagsimula sila ng biyahe mula Ningbo, lalawigang Zhejiang, Tsina. Dumaan sila sa magkakasunod na limang lalawigan sa loob ng Tsina, na kinabibilangan ng Zhejiang, Fujian, Guangdong, Guangxi, at Yunnan. Pagkatapos ay magsasadya sila sa Thailand, Kambodya at Laos. Hangad ng biyaheng ito ang makulay na promosyong pangkultura at panturismo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino