Mga opisyal ng CPC at LPRP, nag-usap

2017-10-30 17:12:09 CRI

Nag-usap kahapon, Linggo, ika-29 ng Oktubre 2017, sa Beijing, sina Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Sounthone Xayachack, Puno ng Commission for External Relations ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP).

Inilahad ni Song ang hinggil sa kalagayan ng katatapos na ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.

Ipinaabot naman ni Sounthone ang pagbati ng Komite Sentral ng LPRP, at ni Bounngang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng LPRP, sa tagumpay ng naturang kongreso, at muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino