Tsina, pinakamalaking pinanggagalingan ng turistang dayuhan ng Indonesia

2017-11-02 11:41:13 CRI CRI

Ayon sa datos na ipinalabas Miyerkules, Nobyembre 1, 2017 ng Sentral na Kawanihan ng Estadistika ng Indonesia, noong unang tatlong kuwarter sa taong ito, umabot sa 1.675 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa bansa. Ang bilang na ito ay katumbas ng mahigit 16% ng kabuuang turistang dayuhan sa Indonesia. Sa gayon, ang Tsina ay nanatiling pinakamalaking pinanggagalingan ng turistang dayuhan ng Indonesia nitong unang siyam na buwan ng taong ito.

Ang nasabing bilang ng turistang Tsino sa Indonesia noong unang siyam na buwan sa taong ito ay lampas na sa kabuuang bilang ng turistang Tsino sa bansa noong taong 2016. Umaasa ang Indonesia na maaakit ang dalawang milyong turistang Tsino sa bansa para sa taong 2017.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino