APEC at ASEAN, palalakasin ang kooperasyon

2017-11-11 01:45:21 CRI

APEC at ASEAN, palalakasin ang kooperasyon

Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, ang dialogue meeting ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Tinalakay ng mga kalahok na lider ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng APEC at ASEAN, para pasulungin ang inter-connectivity at integrasyon ng Asya-Pasipiko.

Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na malawak ang prospek ng kooperasyon ng APEC at ASEAN, batay sa prinsipyo ng pagsasanggunian, pagiging pleksible at pragmatiko, at pagsasaalang-alang sa interes ng isa't isa.

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina sa pagpapasulong ng pakikipagkooperasyong pangkaibigan sa ASEAN, at pagkatig sa konstruksyon ng ASEAN Community at namumunong papel ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon. Dagdag pa niya, pasusulungin ng Tsina ang pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at mga estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansang ASEAN, patataasin ang lebel ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at bubuuin ang mas mahigpit na komunidad ng komong kinabukasan ng dalawang panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino