Ulat ni Xi sa ika-19 na National Congress ng CPC, isinalin sa wikang Lao

2017-11-15 11:36:14

Habang isinasagawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, ang dalaw pang-estado sa Laos, isinalin ng China Radio International (CRI) ang ulat ni Xi sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC sa wikang Lao at inihatid ang ulat sa iba't ibang sektor ng Laos.

Ang nasabing ulat sa wikang Lao ay hinangaan ng mga tauhan ng media at iba't ibang sektor ng bansa, na gaya ng National News Agency ng Laos, opisyal na diyaryo ng People's Revolutionary Party ng Laos; lupong pangkooperasyon ng Laos at Tsina; Laos-China Friendship Association; Academy of Social Sciences ng Laos; at Confucius Institute of National University of Laos.

Ipinahayag nila na sa pamamagitan ng pagbasa ng ulat ni Xi, maaaring malalimang malaman ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap at mas mabisang pasulungin ang pag-uugnayan ng mga estratehiya ng dalawang bansa at pag-unlad ng kanilang komprehensibong estratehikong partnership .

Sinabi ni Sittixay Xayyavong, dalubhasa mula sa National University of Laos, na sa pamamagitan ng ulat ni Xi, maaring pag-aralan ang mga karanasan ng CPC para pasulungin ang pag-unlad ng sosyalistang usapin ng Laos.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino