Premyer Li Keqiang at House Speaker Alvarez, nagtagpo

2017-11-15 18:46:32 CRI

Nagtagpo ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Nobyembre 2017, sa Manila, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ipinahayag ni Li, na ang matagal na pagpapalagayang pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas, na magkakasamang nilikha ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay batayan ng mabilis na pagpapanumbalik ng mabuting relasyong Sino-Pilipino pagkaraan ng mga sigalot, at paglalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Nananalig aniya siyang may kakayahan at talino ang dalawang bansa, na patatagin ang pagkakaibigan, pagsamahin ang komong palagay, at lutasin ang pagkakaiba, para magbukas ng mas magandang kinabukasan ng pangmatagalang pagkakaibigang pangkapitbansaan ng Tsina at Pilipinas.

Tinukoy ni Li, na nakahanda ang Tsina, na magbigay-tulong sa konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas, sa pamamagitan ng kooperasyon sa production capacity, kooperasyong pinansyal, at iba pa. Ipinahayag din niya ang pag-asang, palalakasin ng Tsina at Pilipinas ang pagpapalagayang pamparliamentaryo, para pasulungin ang kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan.

Ipinahayag naman ni Alvarez, na mahalaga ang kasalukuyang pagdalaw ni Premyer Li para sa pag-unlad ng relasyong Pilipino-Tsino, at magpapatatag ito sa kompiyansa ng iba't ibang sektor sa prospek ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sinabi rin ni Alvares, na nakahanda ang panig Pilipino, kasama ng panig Tsino, na palakasin ang kooperasyon sa konektibidad, pinansyo, inobasyon, at iba pang aspekto. Patitingkarin aniya ng Pilipinas ang positibong papel, para palakasin ang kooperasyong Sino-ASEAN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino