Premyer Li Keqiang at Senate President Aquilino Pimentel III, nagtagpo

2017-11-15 18:47:25 CRI

Nagtagpo ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Nobyembre 2017, sa Manila, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Senate President Aquilino Pimentel III.

Sinabi ni Li, na sapul nang maging normal ang relasyong Sino-Pilipino noong isang taon, mainam na nakikita ang tunguhin ng pagbuti at pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, gusto ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na patatagin ang naturang tunguhin, at buksan ang bagong kabanata ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Li ang pagtanggap sa magkakasamang paglahok ng iba't ibang sektor ng Tsina at Pilipinas sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa. Inaasahan aniya niya ang mas magandang kapaligiran para sa paglalim ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

Lubos na hinahangaan ni Pimentel ang pagpapahalaga ng Tsina sa relasyon sa Pilipinas, at pagkatig na ibinigay ng panig Tsino sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Pilipinas.

Ipinahayag din ni Pimentel ang kahandaang palakasin ang pagpapalagayan ng mga lehislatura ng dalawang bansa, para pasulungin sa bagong antas ang relasyong Pilipino-Sino.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino