Premyer Li at Pangulong Duterte, lumahok sa pasinaya ng mga tulay at rehab center na may tulong pinansyal ng Tsina

2017-11-15 00:00:05 CRI

Maynila, Pilipinas-Lumahok ngayong araw, Nobyembre 15, 2017 sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa pasinaya ng mga tulay sa Pasig River at mga rehab center sa Sarangani at Agusan del Sur. Ang lahat ng nasabing mga proyekto ay may tulong pondo mula sa Tsina.

Pinasalamatan ng Pilipinas ang tulong ng Tsina. Pagkaraan ng pasinaya, nanood ang dalawang lider ng modelo ng nasabing mga proyekto.

Hiniling ni Premyer Li sa mga namamahalang tauhang Tsino sa mga proyekto na ipauna ang kalidad at episyensiya, at buong-sikap na kompletuhin ang mga ito sa lalong madaling panahon, para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. Idinagdag pa ni Premyer Li na malawak ang espasyo ng pagtutulunga ng Tsina at Pilipinas at kailangang ibayo pang pasulungin ang mga pagtutulungang may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Jade  

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino