Tsina, mag-aabuloy ng 22.7 milyong US dollar para sa rehabilitasyon sa Marawi

2017-11-16 12:43:31 CRI

Manila, Pilipinas—Mag-aabuloy ang Tsina ng 150 milyong yuan (22.7 milyong US dollars) sa Pilipinas para tulungan ang rekonstruksyon at rehabilitasyon sa Marawi.

Ito ang ipinahayag Miyerkules, Nobyembre 15, 2017 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang dalaw-pang-estado sa Pilipinas.

Ito ang unang biyahe ng isang premyer Tsino sa Pilipinas nitong sampung taong nakalipas.

Nang araw ring iyon, saksi sina Li at Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda ng 14 na dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa infrastructure financing, bridge construction, bond issuance, drug rehabilitation, climate change, intellectual property protection, industrial capacity cooperation, kultura, people-to-people exchanges at iba pa.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino