Tsina, ASEAN, at UNDP, ipinalabas ang SDGs financing roadmap

2017-11-18 16:20:08 CRI

Magkakasamang ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2017, sa Jakarta, Indonesya, ng Tsina, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at United Nations Development Program (UNDP), ang isang ulat hinggil sa pagtutustos para sa pagpapasulong ng 2030 Sustainable Development Goals (SDGs) sa mga bansang ASEAN.

Sa naturang ulat na may pamagat na "ASEAN-China-UNDP Report on Financing the SDGs in ASEAN: Strengthening Integrated National Financing Frameworks to Deliver the 2030 Agenda," nakalakip ang pag-aanalisa sa pangangailangan ng mga bansang ASEAN sa aspekto ng pondo, para pasulungin ang SDGs. Pati ang mga hamong kinakaharap ng mga bansa, at mga solusyong puwedeng isaalang-alang. Tinukoy ng ulat, na maaaring kunin ng mga bansang ASEAN ang development aid ng ibang panig, at pakilusin din ang mga yamang panloob, para lutasin ang pangangailangan sa pondo.

Ipinahayag naman sa ulat ng panig Tsino, na palalakasin ang tulong sa mga bansang ASEAN, sa pangangalap ng pondo para sa kani-kanilang mga programang pangkaunlaran.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino