Hun Sen: hindi yuyukod sa Amerika upang makakuha ng tulong

2017-11-20 12:34:15

Phnom Penh - Kaugnay ng pagsuspinde ng Amerika ng tulong sa halalan ng Cambodia, ipinahayag Linggo, Nobyembre 19, 2017, ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia na hindi yuyukod ang kanyang bansa sa Amerika upang makuha ang tulong nito.

Ani Hun Sen, sa kasalukuyan, matatag ang situwasyong pulitikal ng Cambodia, at walang anumang lumilitaw na krisis pulitikal. Pinabulaanan din niya ang pagbatikos ng mga bansang Kanluranin na tulad ng Amerika, sa Cambodia na lumitaw ang democratic recession at grabeng krisis na pulitikal sa bansang ito.

Ayon sa isang pahayag na inilabas nitong Huwebes ng White House, ipinasiya ng Amerika na itigil ang pagbibigay-tulong sa Pambansang Komisyong Elektoral ng Cambodia.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino