Delegasyon ng mga mamamahayag na Tsino, sinimulan ang pagbisita sa Biyetnam

2017-11-22 18:07:47 CRI


Dumating kahapon, Martes, ika-21 ng Nobyembre 2017, sa Hanoi, Biyetnam, ang delegasyon ng mga mamamahayag na Tsino, para sa 5-araw na pagbisita sa bansang ito.

Sa pag-oorganisa ng All-China Journalists Association (ACJA), ang naturang delegasyon ay binubuo ng mga mamamahayag mula sa China Radio International, Xinhua News Agency, Farmers' Daily, Zhejiang Daily Press Group, at iba pa.

Nang araw ring iyon, sa pagtatagpo ng naturang delegasyon at mga mamamahayag na Biyetnames, sinabi ni Zhang Baixin, Kalahim ng Sekretaryat ng ACJA, na sa katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam, nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungan ng ACJA at Samahan ng mga Mamamahayag ng Biyetnam. Aniya, ang biyaheng ito ng kanyang delegasyon ay isa sa mga hakbang ng pagpapatupad ng kasunduang ito.

Ipinahayag naman ni Mai Duc Loc, Pangalawang Puno ng Samahan ng mga Mamamahayag ng Biyetnam, ang pag-asang, sa pamamagitan ng naturang kasunduan, ibayo pang pasusulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mamamahayag ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino