Tsina, buong sikap sa pagtatatag ng East Asia Economic Community

2017-11-24 11:07:29 CRI

Ipinalabas kamakailan ng Pilipinas ang pahayag ng Ika-20 Summit ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon, at Timog Korea o "ASEAN Plus Three," kung saan ipinangako ang pagpapasulong ng pagtatatag ng East Asia Economic Community sa taong 2020.

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-23 ng Nobyembre 2017, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay nagpapakitang komong hangarin at target ng mga bansa sa rehiyong ito, ang pagtatatag ng naturang komunidad.

Sinabi ni Lu, na noong 2012, iniharap ng mga bansa ng ASEAN Plus Three ang target hinggil sa pagtatatag ng East Asia Economic Community. Dagdag niya, sa katatapos namang Summit ng ASEAN Plus Three sa Manila, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mungkahi sa roadmap ng pagtatatag ng naturang komunidad at mga kooperasyon sa 6 na pangunahing larangan, at ito ay malawak na kinakatigan ng iba pang mga kalahok na lider.

Sinabi rin ni Lu, na nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang may kinalamang panig, na pasulungin ang pagtatatag ng East Asia Economic Community. Ito aniya ay para palakasin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, palawakin ang kalakalan at pamumuhunan sa isa't isa, at pasulungin sa mas mataas na antas ang kooperasyon ng Silangang Asya. Makakatulong din ito aniya sa paglaganap ng ideyang "komunidad ng komong kapalaran" sa Silangang Asya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino