Guangxi, nagkaloob ng pagsasanay ng teknolohiyang agrikultural sa mahigit 2,000 tauhan ng ASEAN

2017-11-24 16:22:38 CRI

Baise, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Huwebes, Nobyembre 23, 2017, binuksan ang ika-10 China-ASEAN (Baise) Modern Agricultural Exibition & Trade Fair.



Ang nasabing perya ay naglalayong palawakin ang kooperasyong agrikultural sa mga bansang ASEAN.



Ayon sa impormasyon ng Departamento ng Agrikultura ng Guangxi, sa pamamagitan ng proyekto ng pagsubok ng mga de-kaliad na uri ng pananim sa Biyetnam, Kambodya at Laos sa kasalukuyang taon, pinili ng Guangxi ang 30 uri ng pananim na angkop sa pagtatanim sa lokalidad. Mula noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, nagkaloob ang Guangxi ng 2,483 person-time na pagsasanay sa mga tauhan ng teknolohiyang agrikultural ng nasabing tatlong bansa. Ayon sa panig ng Guangxi, patuloy nitong tutulungan ang pagpasok ng mga produktong agrikultural ng ASEAN sa pamilihang Tsino.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino