14th China Education Exhibition, binuksan sa Jakarta

2017-11-27 13:21:16 CRI

Jakarta, Indonesia—Binuksan Linggo, Nobyembre 26, 2017 ang Ika-14 na China Education Exhibition na itinaguyod ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina. Pinanguluhan din ni Liu ang ika-3 pulong ng mekanismo ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Indonesia sa antas ng pangalawang punong ministro.

Kalahok sa eksibisyon ang 27 unibersidad mula sa mainland, Tsina at Macao, na kinabibilangan ng Tsinghua University, Zhejiang University, Fudan University, Shanghai Jiao Tong University, University of Macao, Macao University of Science and Technology, City University of Macao at iba pa. Marami sa kanila ang magkakaloob ng scholarship para sa mga estudyanteng Indonesian.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino