Tsina, Timog-silangang Asya at mga paligid na bansa, tinalakay ang hinggil sa kooperasyon sa mga suliraning pulisya

2017-11-30 15:11:42

Beijing, Tsina-Martes, Nobyembre 28, 2017, idinaos ang pulong ng Tsina, Timog-silangang Asya, at mga paligid na bansa hinggil sa kooperasyon sa mga suliraning pulisya at pagpapatupad ng batas ng mga kabisera ng mga kalahok na bansa. Kalahok sa pulong ang mga kinatawan mula sa 15 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand at iba pa, United Nations Office on Drugs and Crimes (UNODC), at Sekretaryat ng Organisasyong Pulisya ng ASEAN.

Ang tema ng kasalukuyang pulong ay “Pagpapalakas ng Kooperasyon sa Pagpapatupad ng Batas, at Paggarantiya sa Katiwasayang Panrehiyon.” Tinalakay sa pulong, pangunahin na, ang mga paksang gaya ng pagbibigay-dagok sa terorismo, organisadong krimeng transnasyonal, krimeng pangkabuhayan, krimen sa internet, krimen ng droga, krimen ng human smuggling, ilegal na pagbebenta at paghahatid ng narcotic drugs, psychotropic drugs at precursor chemicals, pangangalaga sa kapakanan ng iba't ibang bansa sa ibayong dagat, at iba pa.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino