Xi Jinping, nakipagtagpo kay Hun Sen

2017-12-01 19:44:24 CRI

Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, December 1 2017, sa Beijing, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, kay Hun Sen, Presidente ng Cambodian People's Party (CPP) at Punong Ministro ng bansang ito, na kalahok sa Mataas na Pulong Pandiyalogo ng CPC at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig.

Positibo si Xi sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Kambodya. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Kambodya, na palawakin ang kooperasyon, palakasin ang pagpapalagayan ng mga partido, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga multilateral na mekanismo.

Binigyan naman ni Hun Sen ng mataas na pagtasa ang pagdaraos ng nabanggit na pulong. Umaasa aniya siyang walang humpay na patataasin ang lebel ng relasyon ng Kambodya at Tsina, at palalalimin ang pagpapalitan ng mga partido ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino