China-ASEAN Film Festival, binuksan

2017-12-03 14:16:13 CRI

Binuksan kagabi, Sabado, ika-2 ng Disyembre 2017, sa Putrajaya, Malaysia, ang China-ASEAN Film Festival.

Sa pagtataguyod ng ASEAN-China Centre, China-ASEAN Association, at State Administration of Press, Publication, Radio, Film, and Television ng Tsina, ang naturang pestibal ay isang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Itatanghal sa pestibal ang 29 na pelikula mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN. Ilalabas din ang mga gantimpala, na gaya ng best film, best director, best actor, best actress, at special jury award.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino