Isyung panseguridad, pinag-usapan ng Amerika at Pilipinas

2017-12-04 10:46:39

Sa isang pahayag na ipinalabas nitong Biyernes, Disyembre 1, 2017, ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, sinabi nito na sa bilateral na estratehikong diyalogo na idinaos kamakailan ng Amerika at Pilipinas sa Washington, pinag-usapan ang mga temang gaya ng pulitika, seguridad, at kooperasyong pangkabuhayan.

Anang pahayag, tinalakay ng dalawang panig ang mga isyung panrehiyon na kapwa nila pinahahalagahan. Ipinahayag nila na ipagpapatuloy ang kanilang kooperasyon upang pigilin ang nuclear program ng North Korea.

Bukod dito, inulit din nila na palalakasin ang kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng maritime security, makataong tulong, cyber security, pagbibigay-dagok sa iligal na droga sa rehiyon, paglaban sa terorismo, at pakikibaka laban sa pagpupuslit ng tao. Ipinahayag din ng panig Amerikano na patuloy na kakatigan ang Pilipinas sa paglaban sa terorismo at rekonstruksyon ng Marawi City.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino