ICBC Malaysia, opisyal na bangkong katuwang ng MM2H

2017-12-05 15:08:28 CRI

Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, sa Kuala Lumpur, ng Ministri ng Turismo at Kultura ng Malaysia, at Industrial and Commercial Bank of China Malaysia Co. Ltd. (ICBC Malaysia), ang memorandum hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng programa ng Malaysia My Second Home (MM2H). Sa gayon, ang ICBC Malaysia ay naging opisyal na bangkong katuwang ng naturang programa.

Ang MM2H ay isang programa ng pamahalaan ng Malaysia, para hikayatin ang mga dayuhan na pangmatagalang manatili sa bansang ito. Naglalayon itong makaakit ng puhunang dayuhan at pasulungin ang turismo at kabuhayan ng Malaysia.

Ang ICBC Malaysia ay magbibigay-tulong sa mga dayuhan, lalung-lalo na mga mamamayang Tsino, para mag-aplay sa naturang programa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino