Unang bahagi ng magkasanib na proyekto ng daambakal ng Thailand at Tsina, nakapasa sa environmental impact assessment

2017-12-05 15:09:17 CRI

Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-4 ng Disyembre 2017, ng Ministri ng Yamang Likas at Kapaligiran ng Thailand, nakapasa sa environmental impact assessment ang unang bahagi ng magkasanib na proyekto ng daambakal ng Thailand at Tsina.

Ayon naman sa Ministri ng Komunikasyon ng Thailand, pagkaraang makapasa sa naturang assessment, tinatayang sisimulan ang proyekto sa huling dako ng buwang ito.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, itatayo sa Thailand ang unang high-speed rail ng bansang ito, na ang kabuuang haba ay 253 kilometro. Makakaabot sa 250 kilometro bawat oras ang pinakamabilis na tulin sa daambakal na ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino