Paglalagda ng Pilipinas at Taiwan sa mga opisyal na dokumento, ikinababahala ng Tsina

2017-12-09 16:43:04 CRI

Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-8 ng Disyembre sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na pagkabahala ng kanyang bansa sa paglalagda kamakailan ng Pilipinas at Taiwan sa 7 dokumentong pangkooperasyon, na kinabibilangan ng kasunduan ng pangangalaga sa pamumuhunan.

Sinabi ni Geng, na puwedeng isagawa ng mga bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina ang normal na pakikipagpalagayan sa Taiwan sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, at sa pagitan ng mga mamamayan. Pero aniya, buong tinding tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa nila ng opisyal na pagpapalagayan o paglalagda sa mga dokumentong kasangkot sa soberanya.

Dagdag ni Geng, malinaw na nagiging opisyal ang mga dokumentong nilagdaan ng Pilipinas at Taiwan. Iniharap na aniya ng Tsina ang representasyon sa panig Pilipino hinggil dito. Umaasa rin aniya ang Tsina, na tatalima ang Pilipinas sa prinsipyong "Isang Tsina," at iiwasan ang mga masamang epektong dulot ng isyu ng Taiwan sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino