ARF Workshop on Ferry Safety, idinaos

2017-12-13 16:12:43 CRI

Idinaos kahapon, Martes, ika-12 ng Disyembre, 2017, sa Guangzhou, lunsod sa timog Tsina, ang Workshop on Ferry Safety ng ASEAN Regional Forum (ARF).

Sa pagtataguyod ng Maritime Safety Administration ng Tsina at Maritime Industry Authority ng Pilipinas, kalahok sa aktibidad na ito ang mahigit 100 kinatawan mula sa Tsina, mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations, at mga organisasyong pandaigdig, na gaya ng International Maritime Organization, Interferry, at Worldwide Ferry Safety Association.

Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapalakas ng pagtutulungan at pagbabahagi ng mga karanasan, para pasulungin ang ferry safety ng iba't ibang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino