2017 kapistahang pangkultura at pansining ng mga bansa sa Lancang-Mekong River, binuksan

2017-12-13 17:16:46 CRI

Binuksan kahapon, Martes, ika-12 ng Disyembre 2017, sa Jinghong, lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, ang 2017 kapistahang pangkultura at pansining ng mga bansa sa Lancang-Mekong River.

Kalahok sa seremonya ng pagbubukas na idinaos kagabi, ang mga artista mula sa 6 na bansa sa kahabaan ng naturang ilog, na kinabibilangan ng Tsina, Laos, Kambodya, Biyetnam, Thailand, at Myanmar. Itinanghal nila ang mga palabas na nagpapakita ng makukulay na kultura at sining ng kani-kanilang bansa.

Tatagal ng 3 araw ang kasalukuyang kapistahan. Idaraos din ang mga aktbidad ng pagpapalitang pangkultura at pansining, na gaya ng audio-video presentation, art show, ethnic fashion show, pagtatanghal ng mga katutubong kaugalian, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino