Bangko para sa mga SMEs, itatatag ng Cambodia

2017-12-21 17:25:32 CRI

Itatatag ng Pamahalaan ng Kambodya ang Bangko para sa Maliliit at Katamtamang-laking Bahay-kalakal (SMEs). Layon nitong mapaginhawa ang pangongolekta ng pondo ng mga SMEs at lumikha ng mas maraming trabaho.

Ang nasabing kapasiyahan ay ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen sa kanyang talumpati sa harap ng libu-libong manggagawa ng damit sa Phnom Penh.

Idinagdag pa ni Hun na 100 milyong dolyares ang inisyal na puhunan ng pamahalaan sa nasabing bangko.

Aniya pa, pinaplano ng pamahalaang Kambodyano na maging bansang may katamtaman at pataas na kita sa 2030 at maging bansang may mataas na kita sa 2050.

Nanawagan din si Hun sa mga manggagawa na aktibong lumahok sa pambansang halalan sa taong 2018.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino